The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

St. Catherine Community Rondalla

March 18, 2024

News

March 18, 2024

Naniniwala ang St. Catherine Community Rondalla na mas magiging aktibo ang kanilang grupo sa paglahok at pagtataguyod ng cultural programs sa ating bayan ng Pagbilao.

Ayon kay Susan A. Gabiola, Organizer ng grupo, hangad ng kanilang grupo na makilahok sa iba't ibang cultural competitions para makapagbigay ng karangalan sa ating bayan. Kaugnay nito, sinabi ni Binibining Gabiola na sinusuportahan ng ating Punongbayan Ate Gigi Portes ang kanilang mga aktibidad tulad ng pagsasanay sa pagtugtog ng mga instrumento ng mga piling-piling mag-aaral mula sa Talipan National High School, Pagbilao National High School, Pagbilao Central Elementary School, Casa Del Niño Jesus de Pagbilao, CVE at Sacred Heart College. Mayroong 37 studyante ang St. Catherine Community Rondalla kung saan isa si Ginoong Isidro Obmasca sa trainer ng grupo.

Iba pang larawan: bit.ly/49cHwTK