The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Tomato Harvest Festival

March 02, 2021

News

Alam nyo ba na ang KAMATIS ay hindi gulay? Ito po ay isang PRUTAS.

February 24, 2021 | Maagap na tinungo ni Municipal Agriculturist Leonora Melendrez at ng kanyang mga kasama ang Barangay Antipolo kay Farmer Cooperator Erwin Ermino upang idaos ang TOMATO HARVEST FESTIVAL ng LGU sa pangunguna ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic.

Naging bisita sa pagtitipon sina Kgg. Manuel Luna, Chairman ng Komitiba ng Agrikultura; G. Celedonio Dapla, MAF Chairman; PB Roy Marin ng Antipolo; PB Ryan Lustado ng Tukalan; PB Glenda Luna ng Bigo at Bb. Ayrin M. Llorin, Pangulo ng Organic Farmers Association of Pagbilao (OFAP); at mga magsasakang PagbilaoWINS mula sa iba't ibang barangay.

Masaya ang lahat ng dumalo na lumahok sa "Pick-and-Play Acitivity" kung saan sila ang pumili kung gaano kahinog at kalaki ang mga kamatis na kanilang kukuhain.

Mahigit isang daang (100) kilong organic tomatoes ang na-harvest sa nasabing festival.

 

Kayang Kaya Basta't Sama-sama!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic

Narito ang iba pang larawan: Tingnan