The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Turnover Ceremony of 8 Emergency Rescue Vehicles

October 19, 2020

News

BAYAN NG PAGBILAO, KUMPLETO NA ANG RESCUE VEHICLES PARA 27 BARANGAY

Nakumpleto ngayong araw ang dalawamput pitong (27) Emergency Rescue Vehicles para lahat ng barangay sa bayan ng Pagbilao sa pamamahala ni Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic na kauna-unahan sa buong Lalawigan ng Quezon.

Isinagawa ang Turnover ng walong karagdagang Disaster Rescue Vehicles para sa mga Barangay ng Tukalan, Mayhay, Tambak, Anato, Ibaba Polo, Sta. Catalina, Bigo at Ibaba Bagumbungan kung saan binasbasan ni Rev Fr. Ferdie Maano ang mga naturang sasakyan na ginanap ngayong araw sa Brgy. Ikirin.

Taong 2018 ng sinimulan ang pamamahagi ng unang batch ng mga sasakyan, Taong 2019 ang ikalawang batch at ngayong Taong 2020 nakumpleto at naipamigay ang para sa ikatlong batch.

 

Kayang-kaya Basta't Sama-sama!

PagbilaoWINS, WIN na WIN!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic #DisiplinaMuna #BidaSolusyon

Para sa iba pang larawan Tingnan