The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

Turnover of Rescue Vehicles & Patrol Motorcycles

September 16, 2020

News

Pormal na isinagawa ang Turnover Ceremony ng 3 Rescue Vehicles at 2 Patrol Motorcycles na ginanap sa ating Pamahalaang Lokal noong Setyembre 16, 2020.

Dinaluhan nina Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic, PMAJ Reden L. Romasanta, MDRRMO Delfin Magana, ReputationStakeholder Management Specialist Therma Luzon, Inc Serapio Vito Jr, Team Energy Corporation Head for External Affairs Greggy Romualdez at ilan pang kawani mula sa Team Energy Corporation.

Ang nabanggit na aktibidad ay naisakatuparan sa pakikipag-ugnayan ng TEC at PEC sa ating butihing Punong Bayan na siyang nagsuhestiyon upang madagdagan pa ang unang labing anim (16) na rescue vehicles na naipamigay na ng Pamahalaang Lokal sa mga barangay sa pamamahala ni Mayor Palicpic.

Ang mga sasakyang ito ay malaking tulong sa 3 barangay at sa ating Kapulisan upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan at kaligtasan ng mga mamamayan sa bayan ng Pagbilao.

Basta't may Disiplina, Sure Panalo Ka!

#PagbilaoWINS #SerbisyongPalicpic #DisiplinaMuna

For more photos Click Here