The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

ULAT SA BAYAN

August 17, 2022

News


Good news! Inimbitahan ang ating Punong bayan, Mayor Ate Gigi Portes na maging kolumnista ng isang pahayagang pangnasyonal. Ito ay matapos mapansin ng nasabing pahayagan ang sipag na ipinamamalas ng alkalde sa unang yugto ng kanyang pamamahala sa Pagbilao. Abangan ninyo Pagbilaowins ang mga column ni Ate Gigi ukol sa ating bayan at lalawigan!

Nagdaos ng pulong si Ate Gigi sa kanyang staff para lalo pang pag-ibayuhin ang paghahanda sa nalalapit na Araw ng Pagbilao. Hiling ng masipag na alkalde ang matagumpay na pagdaraos ng pinakamahalagang araw na ito ng Pagbilaowins.

Pagkaraan, humarap si Ate Gigi kasama sina Dr. Riki Tolentino, ang ating Municipal Doctor at si Bb. Emerita Madla, ang pinuno ng MSWDO, sa business presentation ng Super Carlos Drug.

Nag-courtesy call din ang dating Mayor Jimmy Zaportesa sa tanggapan ni Ate Gigi para sa isang makabuluhang diyalogo ukol sa mahahalagang proyekto para sa Pagbilaowins.

Bago matapos ang Miyerkules, pinangunahan ni Ate Gigi ang pulong ng Municipal Advisory Council. Doon ay pinag-usapan ang mga update sa mga gawain at kalagayan ng 4PS ng Pagbilao. Inilahad ng punongbayan ang kanyang mga plano para sa mga kasapi ng 4PS.

#PagbilaoWINS #AlagangMayorAteGigiPortes

Tingnan ang iba pang larawan: https://bit.ly/3TtAnrl