The Official Website of the Municipal Government of Pagbilao, Quezon
  • pagbilaogov
  • pagbilaogov
  • Call Us

UNITED AMERICAN PILIPINO GROUP

March 06, 2024

News

UAPG | Kasalukuyang isinasagawa ang Medical at Dental Mission sa Bayan ng Pagbilao.

Sa loob ng dalawang araw mula March 6-7 ay nakatalang nasa 1000 mamamayan ng Bayan ng Pagbilao na mula sa 4p's ang sasailalim sa medical consultation, dental services, pagpapasalamin at pag-tanggap ng mga libreng gamot.

Naisakatuparan ang kaganapang ito sa pangunguna ng UNITED AMERICAN PILIPINO GROUP na nagmula sa Washington, D.C. sa pamamagitan ng pakikipag ugnayan ng isang kababayan natin na naninirahan sa United States na si Mr. Jun Glorioso sa ating Punong-Bayan Ate Gigi Portes.

Layunin ng kanilang plano ay ang mabigyan ng katugunan ang medikal at dental na pangangailangan ng mga mamamayang mas nangangailangan.

#AGPinspiringHope #Pagbilao #UAPG #healthcare #impact #AlagangMayorAteGigiPortes

Iba pang larawan: bit.ly/48JbzSL